Pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino ang taunang Vin d’ Honneur kasama ang mga miyembro ng diplomatic corps at mga senior government officials sa Rizal Hall ng Malacañang.
Ito ang huling New Year’s toast para kay Pangulong Aquino.
Mahaba-haba ang naging talumpati ng pangulo matapos magbalik-tanaw sa mahigit limang taon nitong pagsisilbi sa bansa.
Inalala nito ang mga krisis na pinagdaanan ng Pilipinas tulad ng bagyong Pablo at Yolanda na nagtulak sa gobyerno para maitatag ang Build Back Better para sa pagbangon ng mga biktima ng kalamidad.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang punong ehekutibo sa mga miyembro ng diplomatic corps.
Special mention naman sa talumpati ng presidente ang pasasalamat sa mga embahador mula sa Asya at Amerika dahil sa mas pinaigting na bilateral relations, defense cooperation at pagsuporta sa peace process.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)