Binubusisi na ni Pangulong Noynoy Aquino ang credentials ng dalawang napipisil nitong kapalit ni Secretary Mar Roxas sa Department of Interior and Local Government (DILG).
Ayon sa Pangulo, nakatakda niyang interbyuhin sa mga susunod na araw ang dalawa upang malaman kung kuwalipikado ang mga ito at kayang i-handle ang pressure sa DILG.
Tumanggi naman ang Pangulo na banggitin ang pangalan ng dalawang kandidato sa DILG post.
Matatandaang inendorso ni PNoy si Roxas bilang standard bearer ng administrasyon sa 2016 Presidential elections.
Inaasahang babakantehin ni Roxas ang DILG sa sandaling makapili na ang presidente ng bagong Interior Secretary.
By Meann Tanbio