Tiniyak ni Pangulong Noynoy Aquino na walang palulusutin sa mga mapapatunayang nagkasala at nagpabaya sa malagim na pagkasunog ng pagbrika ng tsinelas sa Valenzuela City.
Inihayag ng pangulo na sisiguraduhin niyang may makukulong sa insidente kaya’t pina-mamadali na ang imbestigasyon para matukoy ang mga dapat na sampahan ng kaso.
Lahat anya ng mga lumabag sa Kentex Manufacturing Corporation at lokal na pamahalaan ng Valenuzuela ay dapat na managot dahil sa kapabayaan.
Lumabas sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection na simula 1996 hanggang 2015 ay isang beses lamang na inisyuhan ng fire safety inspection certificate ang Kentex mula sa pamahalaang lungsod ng Valenzuela.
By Aileen Taliping / Drew Nacino