Tiniyak ng Pangulong Benigno Aquino III ang tulong ng pamahalaan sa mga sinalanta ng bagyong Nona.
Maghapong nag-ikot ang Pangulong Noynoy kahapon sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Nona partikular na sa Oriental Mindoro.
Dahil dito, nagkaroon ng pagkakataon ang Pangulo na makadaupang palad ang mga sinalanta ng kalamidad para pakinggan ang kanilang mga hinaing.
Sa harap ng pangulo, iniulat ni Oriental Mindoro Governor Alfonso Umali na aabot sa mahigit P4 na bilyong piso ang halaga ng mga napinsala sa sektor ng agrikultura at imprastraktura.
Labing tatlo (13) naman ang naitalang nasawi sa lalawigan kung saan, nasa halos 100,000 pamilya ang inilikas.
Personal namang pinangangasiwaan ni DSWD Secretary Dinky Soliman ang pamamahagi ng tulong sa mga sinalanta ng kalamidad.
By Jaymark Dagala