Pinapurihan ng Pangulong Noynoy Aquino ang DPWH o Department of Public Works and Highways sa malaking kontribusyon nito sa tuwid na daan ng gobyerno.
Sa kaniyang talumpati sa ika-117 anibersaryo ng DPWH, ipinagmalaki ng Pangulo ang ibinigay na Certificate for Quality Management System sa DPWH na nangangahulugan ng lawak at malaking pagbabago sa ahensya sa nakalipas na limang taon at inisa-isa din ang mga repormang ipinatutupad dito.
Binigyang diin ng Pangulo na sa tulong ni Secretary Rogelio Singson ay napanagot ang mga opisyal at tauhan ng ahensya na sangkot sa katiwalian at ginawang mas simple at bukas ang bidding process.
By Judith Larino | Aileen Taliping (Patrol 23) | Aya Yupangco (Patrol 5)