Pinayuhan ngayon ng isang obispo si Pangulong Noynoy Aquino na bumitiw na sa ginagawang nitong pagsusulong sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ayon kay Cotabato Auxiliary Bishop Jose Collin Bagaforo, dapat na ipaubaya na lamang ng Pangulo sa susunod na administrasyon ang pagtutulak para maging ganap na batas ang BBL.
Aniya, kailangan ng sapat na panahon upang masiguro na hindi lalabag sa konstitusyon ang naturang panukalang batas.
Sa ngayon aniya ay malinaw na marami itong contitutional infirmities na posibleng magdulot ng implikasyon na pagbabago sa konstitusyon.
By Rianne Briones