Maagap nang pinulong ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga ahensya ng pamahalaan na may kinalaman sa pagtiyak sa kaayusan at kaligtasan ng mamamayan sa panahon ng kalamidad.
Ito’y bago pa man tuluyang makapasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR ang super typhoon na may international name na Souldelor o bagyong Hanna.
Sinabi mismo ng Pangulo na naka-posisyon na ang mga pangunahing lugar na maaapektuhan ng bagyo at handa na rin ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Hangad pa rin ng gobyerno ang zero casualty sa paparating na kalamidad kaya’t mahigpit ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para ipatupad ang mga angkop ng hakbang gayundin ang mga paghahanda para sa kaligtasan ng mga mamamayan sa hagupit ng bagyo.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)