Aminado si Pangulong Benigno Aquino III na hindi pa tapos ang pag-iimbestiga ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Mamasapano incident kung saan 44 na kasapi ng PNP-Special Action Force (SAF) ang nasawi.
Sinabi ng Pangulo na maging siya ay marami pang katanungan ukol sa mga pangyayari sa nasabing madugong engkwentro.
Dagdag ni Pangulong Aquino, mayroong mga grupong naglabas ng ibang bersyon ng mga pangyayari, ngunit hindi naman idinitalye ng Pangulo ang tungkol sa mga bersyong ito.
Matatandaang nagbigay noong isang buwan ng listahan ang PNP sa Department of Justice (DOJ) ng mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front ng umano’y sangkot sa Mamasapano incident.
By Avee Devierte