Pulitika at ang nalalapit na eleksyon ang nakikita ni Pangulong Noynoy Aquino na dahilan ng muling pagbubukas ng imbestigasyon ng Mamasapano incident sa senado.
Sinabi ng Pangulo na malapit na ang panahon ng pangangampanya at nakita marahil ng mga kritiko na ang Mamasapano incident ang malaking dagok sa kanyang pamamahala kaya’t sinusubukang samantalahin ang pagkakataon.
Sinabi ng Pangulo na hindi siya magpapadala sa emosyon lalo’t nalalapit na ang unang taon ng Mamasapano incident sa January 25.
Batid ng Pangulo na may malaking sama ng loob ang mambabatas na pasimuno para muling imbestigahan ang madugong insidente kaya’t malinaw na pulitika ang tunay na layunin nito.
Ayon pa sa Pangulo, isa sa mga natutunan niya noong siya’y mambabatas pa ay isang malaking insulto sa committee head at mga miyembro nito na muling i-recommit o ibalik ang committee report dahil para bang hindi tama ang ginawa ng mga ito.
By Avee Devierte | Aileen Taliping (Patrol 23)