Umapela si Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang mga kapartido na unahing ikampanya si Liberal Party (LP) presidential bet Mar Roxas bago ang kanilang mga sarili.
Sa LP Convention kahapon, sinabi ng Pangulo, dapat na maging prayoridad ang pangangampanya kay Roxas kung talagang naniniwala sila sa Tuwid na Daan.
Sa nasabi ring event ay pormal nang pinili si Roxas para maging standard bearer ng LP sa pamamagitan ng resolusyon mula sa National Executive Council.
Una nang inendorso ni Pangulong Aquino ang kandidatura ng Roxas noong Hulyo 31, 2015.
By Rianne Briones