Sabik na ang Pangulong Noynoy Aquino na bumalik sa normal na buhay matapos bumaba sa puwesto sa June 30
Gayunman sinabi ng Pangulo na posibleng pumalaot pa rin siya sa pulitika bagamat sa kasalukuyan ay i e enjoy muna niya ang pagbabasa at pagliliwaliw sa mga lalawigan
Tiniyak ng Pangulo na hindi siya mabo bore dahil hahanap siya ng maaari niyang pagka abalahan bilang private citizen
Ayon sa source na malapit sa Pangulo kinukunsider nitong tumanggap ng mga imbitasyon para sa lecture series sa Pilipinas man o sa ibayong dagat
Inamin pa ng Pangulo na hindi niya isinasara ang pinto para sa posibleng paglagay sa tahimik at sa katunayan ay mayruon na siyang naiisip na wedding song
By: Judith Larino