Tumangging magkomento si dating Pangulong Noynoy Aquino hinggil sa idineklarang Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao
Ayon sa dating Pangulo, hindi pa sapat ang mga hawak niyang impormasyon hinggil sa lawak ng epekto ng kaguluhan sa Marawi City para magkomento sa usapin
Magugunitang minsan na ring nagtangka si ginoong Aquino na magdeklara ng batas militar sa Sulu ilang linggo bago siya tuluyang bumaba sa puwesto
Ito’y makaraang pugutan ng Abu Sayaf Group ang mga bihag nitong Canadian nationals na sina Robert Hall at John Ridsdel na kabilang sa apat na dinukot ng mga bandido sa Island City of Samal nuong isang taon
By: Jaymark Dagala