Natalakay ng Pangulong Noynoy Aquino sa Japan ang problema sa West Philippine Sea.
Pinasalamatan ng Pangulo ang Japan sa patuloy na pagbibigay ng suporta sa Pilipinas hindi lamang sa larangan ng ekonomiya kundi maging sa isyu ng seguridad.
Kaugnay nito, nananatili ang posisyon ng Pilipinas na idaan sa mapayapa at diplomatikong pamamaraan ang ginagawang pangangamkam ng China sa mga isla ng Spratly.
Inihayag din ng Pangulong Aquino na kaisa ang Pilipinas sa pagsusulong ng freedom of navigation sa West Philippine Sea upang mapanatili aniya ang kapayapaan sa Asia Pacific Region.
By Ralph Obina | Aileen Taliping (Patrol 23)