Hindi na raw natuto si Pangulong Benigno Aquino III sa mabilis at tamang pag-aksyon sa mga emergency situation kahit patapos na ang termino nito.
Inihayag ito ni Senate Minority Floor Leader Juan Ponce Enrile sa kanyang pagbatikos sa makupad na pagtugon ng administrasyong Aquino sa naganap na protesta ng mga magsasakang apektado ng El Niño sa Kidapawan.
Binansagan ni Enrile si Pangulong Aquino na “Three-day President” dahil tatlong araw bago ito makapag-isip ng solusyon para sa isang emergency situation.
Giit ni Enrile, umaksyon na dapat ang Pangulo sa unang araw pa lang ng rally kung saan dapat nitong inalam ang problema ng mga magsasaka.
Agad din sanang tinugunan ni Aquino ang pangangailangan ng mga ito sa pamamagitan ng pag-uutos na ipamahagi ang mga naka-imbak na bigas sa mga warehouse.
By Avee Devierte | Cely Bueno (Patrol 19)