Tinawag na incompetent ni Presidential Chief Legal Council Atty. Salvador Panelo si dating Pangulong Noynoy Aquino.
Ito ay matapos na punahin at sabihin ni Aquino na tila wala namang nangyayari sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.
Ayon kay Panelo, hindi akmang manggaling sa isang dating lider ng bansa ang kritisismo gayung lumaganap at lumala ang problema sa iligal na droga sa ilalim ng pamamahala nito.
Bukod dito, sinabi pa ni Panelo na bigo rin ang dating administrasyon na tugunan ang problema sa krimen at kurapsyon sa bansa.
Tiniyak naman ni Panelo na magpapatuloy ang giyera ng pamahalaan kontra druga at hindi magpapaapekto sa pagpuna dahil mandato aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte na protektahan ang mga Pilipino.