Siniguro ni Pangulong Noynoy Aquino na magpapatuloy ang ginagawang modernisasyon sa Hukbong Sandatahan.
Sa kanyang pagdalo sa ika-68 anibersaryo ng Philippine Air Force (PAF), sinabi ng Pangulo na malayo na ang narating ng ating hukbong himpapawid, lalo na at nadagdagan na ang air assets nito, katulad ng C-130 at ang mga fighter jets mula sa South Korea na dadating sa Disyembre.
Maliban sa mas maraming air assets, hindi din aniya nalilimutan ang mga sundalo na bukod sa pinataas na allowance, makikinabang din ang mga ito ng pabahay.
Sa kanyang huling pagdalo sa anibersaryo, pinasalamatan niya ang Air Force sa kanilang dedikasyon, kasabay ang pagbibitiw ng hamon na manatili sa tuwid na daan ang mga ito.
Ginanap ang pagdiriwang sa Clark Air Base sa Pampanga, kaninang umaga.
Binigyan ng full military honors ang Pangulong Aquino, at bago ang kanyang talumpati ay nagkaroon muna ng awarding ceremony.
Ipinarada din sa anibersaryo ang mga bagong bili na mobility asset ng Air Force.
By Katrina Valle | Aileen Taliping (Patrol 23)