Tinapos na ng Pangulong Noynoy Aquino ang kanilang pagkakaibigan ni dating LTO Chief Virginia Torres.
Kasunod ito ng umano’y pagtatangka ni Torres na maimpluwensyahan ang pagpupuslit ng milyong pisong halaga ng asukal mula sa Thailand.
Iginiit ng Pangulo na kung ang sukatan ni Torres ng pagkakaibigan ay ang paggamit ng kanyang pangalan, hindi ito totoong kaibigan.
Aniya, masama at hindi dapat payagan ang smuggling at lalong mas masama ang influence peddling.
By Katrina Valle | Aileen Taliping (Patrol 23)