Kumpiyansa si Pangulong Benigno Aquino III na makahahabol ang kanilang pambato na si dating DILG Secretary Mar Roxas sa mga survey.
Ang pahayag ay ginawa ng Pangulong Aquino kasunod na rin ng pagdududa nito na mababa pa rin ang survey rating ni Roxas.
Ayon sa Pangulo, kung susumahin ang margin of error kumpara sa mga katunggali nitong presidentiables, lumalabas na sila ay statistically tie o tabla lamang.
Binangggit pa ng presidente na malayo pa naman ang halalan, sapat pa ang panahon para maipaliwanag ang temang “ituloy ang daang matuwid”.
By Meann Tanbio