Tumulak na patungo sa Japan si Pangulong Noynoy Aquino, kasama ang kanyang economic managers, para sa kanyang state visit.
Ayon sa Pangulo, kanyang ibabahagi sa Japan, ang mga ginagawang pagbabago at reporma ng bansa para umunlad.
Nangako din ang Pangulo na kanyang gagawin ang lahat, para makapag-uwi ng maraming pasalubong sa mga Pilipino, o kaya ay mga karagdagang investment.
Nakatakdang bigyan sa Japan, ang Pangulong Noynoy Aquino ng Grand Cordon of the Supreme Order of Chrysanthemum, para sa kanyang mga nagawa at sa aktibong pakikilahok ng mga Pilipino para sa ikauunlad ng bansa.
Gagawaran naman ng Pangulong Noynoy Aquino ng Order of Sikatuna si Prime Minister Shinzo Abe at Order of Lakandula si Emperor Akihito, bilang pagkilala sa kanilang naging kontribusyon sa ugnayan ng dalawang bansa.
By Katrina Valle | Aileen Taliping (Patrol 23)