Walang planong bisitahin ni Pangulong Noynoy Aquino ang mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea upang maiwasan nito umano na maging dahilan ng pagtaas ng tensyon doon.
Aminado ang Pangulo na maaaring maka-provoke ang naturang hakbang ng hindi magandang reaksyon mula sa mga bansang umaangkin din sa mga nasabing isla.
Sa kabila ng tahasang pang-aangkin ng China sa West Philippine Sea, sinabi ni Pangulong Aquino na nananatili ang kanyang administrasyon sa pagresolba ng naturang isyu sa mapayapang paraan.
Una nang sinabi ni Incoming President Rodrigo Duterte na sasakay ito ng Jet Ski papunta sa mga pinag-aagawang teritoryo upang itayo ang bandila ng Pilipinas doon.
By: Avee Divierte