Nilinaw ni Senator Chiz Escudero na walang inalok ang Pangulong Noynoy Aquino sa kanila ni Senator Grace Poe sa naging pulong nila dito kahapon.
Ayon kay Senator Escudero, tanging ang ipinakiusap ng Pangulo na sana ang mga koalisyong sumuporta sa kanyang kandidatura noon ay sumuporta rin sana sa kandidatong kanyang i-eendorso para sa 2016 elections.
Samantala, naniniwala naman si Escudero na hanggang ngayon wala pang napipili si PNoy para maging standard bearer ng administrasyon.
Aniya, ang pakikipagpulong nito sa iba’t ibang pulitiko ay malinaw na pagpapakita na bukas pa rin ang Pangulo sa sinuman na handang magtuloy ng kanyang nasimulang tuwid na daan.
By Rianne Briones