Inamin ng Philippine National Police (PNP) Special Investigation Task Force Night Market na isa pa lamang ang nakilala nila sa 9 na kinasuhan dahil sa pagpapasabog sa Davao City night market.
Ayon kay Senior Supt. Valeriano de Leon, hepe ng Task Force, lima sa kanilang kinasuhan ay pawang mga John Does at tatlo ang Jane Does.
Sinabi ni De Leon na ibubunyag lamang nila ang pangalan ng prime suspect sa sandaling ideklara ng prosecutor na mayroong sapat na basehan para iakyat sa korte ang kasong isinampa nila laban dito.
Ipinaliwanag ni De Leon na hindi pa kasama sa mga kinasuhan nila ang mga posibleng mastermind sa pagpapasabog.
Tugon ito ni De Leon makaraang lumabas sa mga balita ang posibleng pagkakasangkot sa Davao bombing ni Talitay Maguindanao Vice Mayor Abdul Wahab Sabal na nahulihan ng mga baril at bomba.
Bahgai ng pahayag ni Senior Supt. Valeriano de Leon
By Len Aguirre | Ratsada Balita