Kinasuhan na ng PNP o Philippine National Police ang 18 katao na sangkot sa rice trading investment scam sa Caraga Region at iba pang bahagi ng Mindanao.
Ayon kay PNP – Criminal Investigation and Detection Group Police Major Gen. Amador Corpus, kinasuhan ang tatlong founder ng FRX Rice Trading Investment at 15 iba pa.
Nag ugat ang kaso matapos ang mga reklamo na nag ugat sa pangako ng kompanya na magiging triple ang perang ipupuhunan ng kanilang mga miyembro.
Una nang nakumpiska ng mga otoridad ang 23 milyong pisong cash, counting machines at log book sa safehouse ng kumpanya sa Nasipit, Agusan Del Sur.