Makikipagtulungan na din ang Philippine National Police o PNP sa Department of Education o DEPED at Anti-Cybercrime Group o ACG upang imbestigahan ang nagaganap na online kopyahan ng mga estudyante.
Nabatid na humingi na ng tulong sa mga otoridad ang DEPED upang tukuyin ang salarin sa “online cheating.”
Matatandaang laganap sa Facebook group ang pagbibigayan ng mga sagot ng aabot sa 600,000 na mga mag-aaral sa kanilang mga exams at iba pang academic activities.
Ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, agad niyang inatasan ang kaniyang mga tauhan para imbestigahan ang naturang insidente.
Bukod pa sa PNP, makikipagtulungan din sa imbestigasyon ang National Bureau of Investigation o NBI.—sa panulat ni Angelica Doctolero