Kumikilos na ang Philippine National Police o PNP upang alamin kung tunay na pawang mahihirap ang pinaka-apektado ng war on drugs ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, bukod sa binuo nilang Board of Inquiry, meron ding special investigation task group para sa bawat rehiyon kasama ang Armed Forces of the Philippines o AFP.
Sinabi ni Albayalde na bukod sa aalamin nila ang kalagayang pang-kabuhayan ng mga nasawi sa war on drugs, aalamin rin sa imbestigasyon kung talagang nanlaban ang karamihan sa mga napatay.
Hindi itinanggi ni Albayalde na ang pinakamaraming napatay sa war on drugs ay mula sa Bulacan, Caloocan at Maynila.
—-