Asahan na ang mahigpit na pagpapatupad ng seguridad ngayong araw na siyang pagsisimula ng paghahain ng kandidatura para sa Boses ni Juan o Halalan 2022.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, maliban sa augmentation units, nakatutok din ang intellegence units ng iba’t ibang law enforcement agencies para bantayan ang anumang banta.
Kabilang sa mga ito ang pananambang sa mga pulitiko, bomb threat, sunog, pagdagsa ng mga tagasuporta ng mga pulitiko at iba pa.
Katuwang ng PNP ang puwersa mula sa Armed Forces of the Philippines o AFP, Bureau of Fire Protection o BFP, Commission on Elections o COMELEC, concerned local government units at disaster personnel.
Nakatutok na rin ang PNP sa mga lugar na may mataas na antas ng karahasan dahil sa away pulitika ngayong malapit na ang halalan..—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9