Magpapadala ng mga tauhan ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines upang tumulong sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI).
Ito’y makaraang umabot na sa full capacity ang emergency room nito dahil sa mga pasyenteng sumasailalim sa dialysis at mayroong leptospirosis at COVID-19.
Ayon kay Department of Health Officer-In-Charge at undersecretary Maria Rosario Vergeire, nangangailangan talaga ng karagdagang tauhan ang nasabing pagamutan.
Sinabi pa nito na tumugon na rin ang iba pang ospital sa kanilang request na tumulong sa NKTI.
Una nang sinabi ni Vergeire na inatasan niya na ang tala hospital sa caloocan city, E. Rodriguez hospital sa Marikina City, at East Avenue Medical Center sa Quezon City na tumanggap ng mga pasyente na magmumula sa NKTI.