Aminado ang hepe ng binuwag na PNP Anti-Illegal Drugs group (PNP AIDG) na marami silang nabitin na operasyon laban sa mga big time druglords matapos ipalusaw ng pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang grupo
Nilinaw ni Senior Supt Albert Ferro, hepe ng binuwag na unit ng PNP, hindi sila kasama sa Oplan Tokhang ng PNP o Philippine National Police dahil nakatutok sila sa mga high value targets o mga big time drug lords.
Gayunman, sinabi ni Ferro na kumpiyansa naman sya sa kapabilidad ng Phil. drug enforcement agency na maituloy ang kanilang mga nasimulang operasyon.
Ipinagmalaki ni Ferro mataas ang kanilang conviction rate dahil hindi nila basta lamang pinababayaan ang kaso kapag nakasampa na sa korte.
ipinahiwatig ni Ferro na ito ang isa sa kanyang pinangangambahan ngayong watak watak na ang kanyang mga tauhan.
Kasabay nito, binalaan ni Ferro ang mga sindikato ng illegal drugs na huwag magpakasiguro kahit pa buwag na ang PNP AIDG at suspendido ang giyera kontra droga ng PNP.
By Len Aguirre