Magpapatupad ng revamp si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa sa hanay ng PNP-AIDG o Anti-Illegal Drugs Group.
Ayon kay Dela Rosa, babalasahin niya ang AIDG hanggang kay Supt. Rafael Dumlao na isa sa mga sinasabing sangkot sa pagpatay kay Korean businessman Jee Ick Joo.
Hindi naman apektado ng balasahan ang hepe ng AIDG na si sr. Supt. Albert Ferro na nag-alok na rin kay Pangulong Rodrigo Duterte na magbitiw sa pwesto pero tinanggihan ng Pangulo
Bukod sa AIDG, babalasahin din ni Dela Rosa ang PNP Anti Kidnapping Group matapos madismaya sa mabagal na pagkilos ng mga ito sa paglutas sa kaso ni Jee.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal