Kinilala na si Philippine National Police (PNP) Anti-Illegal Drugs Group Team Leader, Supt. Raphael Dumlao bilang utak sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick Joo.
Ito ang kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa press conference sa Malacañang, kagabi.
Ayon kay Pangulong Duterte, bagaman itinatanggi ni Dumlao na sangkot siya sa krimen, lumalabas sa imbestigasyon na ito mismo ang nagplano at nakipag-sabwatan sa ibang pulis.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Now in Camp Crame
Samantala, nakabalik na ng Camp Crame si PNP Anti-Illegal Drugs Group team leader, Supt. Raphael Dumlao, isa sa mga akusado sa pagdukot at pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick-Joo.
Sa press conference sa Malacañang, kaninang hatinggabi, kinumpirma ni PNP Chief, Dir. Gen. Ronald dela Rosa na kahapon ng tanghali bumalik si Dumlao sa headquarters.
Ayon kay Dela Rosa, tinawagan ni Atty. Dumlao si PNP Anti-Kidnapping Group Chief, Senior Supt. Glen Dumlao upang ilahad ang kanyang lahat ng nalalaman sa krimen.
Bahagi ng pahayag ni PNP Chief Ronald dela Rosa
Aminado naman si Bato na kagabi lamang niya nasabi kay Pangulong Duterte na nakabalik na si Atty. Dumlao sa Krame dahil hindi sila nagkita ng Pangulo sa command conference.
Samantala, handa na si Dela Rosa na buwagin ang lahat ng anti-drug units ng PNP alinsunod sa utos ni Pangulong Duterte.
Bahagi ng pahayag ni PNP Chief Ronald dela Rosa
By Drew Nacino