Magtatayo ang PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) ng advanced satellite offices malapit sa mga casino para tumutok sa mga naitatalang kaso ng pagdukot na kinasasangkutan ng mga Tsino.
Ipinabatid ni PNP-AKG Spokesperson Police Lt. Col. Elmer Cereno na nakikipag ugnayan na sila sa kanilang Chinese counterparts para mapigilan ang pambibiktima ng mga Tsino sa kanilang kapwa Tsino na nasa bansa.
Nabatid na modus ng mga nasabing Tsino na himuking magsugal sa mga casino ang kanilang mga kapwa Tsino hanggang mabaon sa utang.
Dudukutin ang biktima at ikukulong sa isang lugar bago kontakin ang mga kaanak nito sa mainland China para humingi ng ransom.
Batay sa datos ng PNP-AKG mula 2017 hanggang 2019 nasa 53 kaso ng kidnapping ang kinasasangkutan ng mgs Tsino at aabot na sa 120 ang naarestong suspek na karamihan ay kinasuhan na rin ng kidnapping at illegal detention.