Nanindigan ang PNP – AKG o Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group na wala silang kasalanan sa pagkamatay ng isang rape – slay suspect na nasa kanilang kustodiya.
Ayon kay PNP AKG Director Senior Superintendent Glenn Dumlao, wala siyang nakitang paglabag sa insidente dahil sinunod ng dalawang police escort ng suspek ang kanilang SOP o Standard Operating Procedure.
Wala rin aniya siyang balak na tanggalin sa pwesto ang mga nasabing pulis habang nagsasagwa ng imbestigasyon ang IAS o Internal Affairs Service sa insidente.
Kagabi ay nasawi ang suspek sa panghahalay at pagpatay sa isang walong taong gulang na bata na si Hilario Larry Herrera matapos umanong mang-agaw ng baril at paputukan ang sarili habang pabalik ng tanggapan ng AKG.
- Krista De Dios | Story from Jonathan Andal