Muling tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na handa na ang lahat para sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino, mamayang hapon.
Ayon kay PNP Spokesman, Chief Supt. Wilben Mayor, wala naman silang namomonitor na banta na dapat ipangamba.
Samantala, umapela naman si Mayor sa mga raliyista na huwag ng mandamay ng mga motorista at pasaherong dumaraan malapit sa Batasang Pambansa.
“All set na nga ang Philippine National Police at nakahanda na po yung mga security personnel po natin doon at handa na sa anumang sitwasyon, ang hiling lang po natin sa ating mga kababayan na pupunta at mag-rarally ay maging mahinahon lang po.” Giit ni Mayor.
By Drew Nacino | Kasangga Mo Ang Langit