All-set na ang Philippine National Police (PNP) para sa gaganaping plebisito sa Maguindanao sa Setyembre 17.
Ito ang inihayag ni PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr. na nakipag-ugnayan na rin sila sa militar at iba pang law enfrorcement agencies para sa maayos na pagsasagawa ng nabanggit na aktibidad.
Naka-standby na rin ang iba pang kailangang asset para sa mas mabilis na pagtugon sa seguridad ng plebisito.
Kaugnay nito, ikinasa na rin ng Kapulisan ang gun ban sa lugar mula noong Agosto 16 na magtatagal hanggang Setyembre a24 alinsunod sa Commission on Elections (COMELEC) Resolution No. 10797.
Nabatid na nakatakdang bumoto ang mga botante sa 36 na munisipalidad sa pagpabor o hindi sa paghahati sa naturang lalawigan sa dalawa na tatawaging Maguindanao Del Sur at Maguindanao Del Norte.