All systems go na ang Philippine National Police para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ayon kay PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde, pinagana na nila ang “task force safe election 2018” upang matiyak na ligtas ang halalan sa Mayo 14.
Bubuuin ito ng 70 hanggang 80% ng pwersa ng PNP ang maagang idedeploy sa bawat polling precincts.
Bukod sa task force safe ay may binuo pang special operation task group ang police regional office-5 para tutukan naman ang halalan sa Masbate kung saan may kasaysayan ng madugong eleksyon at may presensya ng mga armadong grupo.
“Dito sa safe 2018 ng poll elections, dapat merong mga nakadeploy na eksaktong pangalan atsaka yung kanilang mga cellphone numbers so that in any emergency, pwede natin silang matawagan in a specific police center”.