Kasado na ang lahat ng preparasyon ng PNP para sa kauna-unahang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa Lunes, Hulyo a – 25.
Tiniyak ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo na nakalatag na ang lahat ng seguridad sa loob at labas ng Batasan Pambansa sa Quezon City.
Nakikipag-ugnayan na rin anya sila sa MMDA para sa pagsasara ng ilang kalsada at pagtatakda ng mga alternatibong ruta upang maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko.
Samantala, nilinaw ni NCRPO Spokesperson Lt. Col. Jenny Tecson na ipinagbabawal ang pagsasagawa ng kilos-protesta sa commonwealth avenue dahil may mga itinalaga namang mga lugar na maaaring pagdausan ng demonstrasyon, gaya ng Quezon Circle.