Tiniyak ni incoming PNP Chief General Ronald Dela Rosa na paglalaanan niya ng malaking budget ang PNP Anti-illegal Drugs Group kapag nakaupo na siya sa pwesto.
Ayon kay Dela Rosa, kailangan ng mga operatiba ang malaking budget upang labanan ang mga sindikato ng iligal na droga.
Aniya, kakailanganin ng dagdag na pondo upang maging mas malawak ang kanilang intelligence gathering at upang makamit ang target na 3 to 6 months.
Ayon pa kay Dela Rosa, babalasahin din niya ang lahat ng tauhan sa district at regional anti-illegal drugs special operations task force dahil sangkot, aniya, ang ilan sa mga ito sa operasyon ng iligal na droga.
Kung dati’y bawal tumanggap ng pabuya ang mga pulis, tiniyak ni Dela Rosa na makatatanggap na ngayon ang mga makahuhuli at makapapatay ng mga drug lord, gaya ng ipinangako ni President-elect Rodrigo Duterte.
By: Avee Devierte