Hindi na makiki-alam pa si Pangulong Rodrigo Duterte maging ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sa war on drugs ng pamahalaan.
Ayon sa Pangulo, ang Philippine Drug Enforcement Agency na lamang ang tanging kikilos para sa mga operasyon na may kinalaman sa ilegal na droga.
Ito ay kahit pa aminado ang Pangulo na hindi sapat ang kakayahan ng ahensya dahil sa kakulangan ng tauhan.
Una rito, binigyang diin ng Pangulo na dapat tanggapin ng publiko anuman ang maging kapalit ng pagpapaubaya sa PDEA ng kampanya kontra ilegal na droga.