Ipina-uubaya na ng Commission on Election sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang pagtulong sa National Grid Corporation of the Philippines sa pag-repair ng mga transmission tower nito upang matiyak na sapat ang supply ng kuryente sa Mindanao sa araw ng halalan.
Alinsunod sa COMELEC Resolution 10067, ang pangunahing papel ng PNP at AFP ay bigyang seguridad ang mga n.g.c.p. personnel sa pag-sasaayos ng mga transmission tower sa mindanao.
Maka-ilang beses ng pinasabugan ang mga transmission tower ng NGCP sa North Cotabato at Lanao del Sur lugar dahilan upang ma-alarma ang poll body.
Una ng ibinabala ng Department of Energy at NGCP na sa oras na hindi maisaayos ang mga power line ay maaaring maka-apekto ito sa supply ng kuryente sa May 9 elections.
By: Drew Nacino