Napagkasunduan nina PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa at AFP Chief of Staff General Eduardo Año na irekomenda ang pagpapalawig sa martial law sa Mindanao, oras na tanungin sila ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Dela Rosa, batay sa kanilang ginawang security assessment noong Lunes, kinakailangan pa ang martial law sa Mindanao hanggang sa proseso ng rehabilitasyon sa Marawi City.
Aniya, mahirap magsimula sa pagsasaayos at rehabilitasyon sa lungsod kung may nangyayari pang putukan.
Gayunman, paglilinaw ni Dela Rosa, maaari pang magbago ang kanilang rekomendasyon kung gaganda pa ang sitwasyon sa Marawi City bago ang SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Duterte.
By Krista De Dios | With Report from Jonathan Andal