Bumuo na ng joint task force ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan at tugisin ang mga nasa likod ng pamamaslang sa mga lumad sa bayan ng Lianga, Surigao del Sur.
Ayon kay Surigao del Sur Johnny Pimentel, target ng joint task force na maaresto si Bobby Tejero at grupo nito na responsable sa pamamaslang kina Emerito Samarca, Dionel Campos at Datu Juvillo Sinzo, sa barangay Diatagon noong Setyembre 1.
Binubuo ang task force ng mga personnel mula sa Surigao del Sur Police Provincial Office 402nd Infantry Brigade ng Army.
Isinampa na rin anya ang mga kasong multiple murder, arson, robbery, grave threats at grave coercion laban kina Tejero, Loloy Tejero at Gareto Layno sa Provincial Prosecutors Office.
By Drew Nacino
Photo Credit: Interaksyon.com