Nakatakdang magpulong ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa susunod na linggo bago mapaso ang 60 araw na pag-iral ng martial law sa Mindanao.
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, pag-uusapan ng mga senior official ng PNP at AFP ang kanilang rekomendasyon kung kailangan pa bang palawigin ang pagpapatupad ng batas militar sa Mindanao.
Una ng sinabi ni Dela Rosa na nagkausap na sila ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año hinggil sa posibilidad ng martial law extension.
Ipinahiwatig ng PNP Chief na posibleng irekomenda nila sa Pangulo na sa buong Mindanao pa rin paiiralin ang batas militar.
- Meann Tanbio