Nakaalerto na nang todo ang pulisya sa Northern Mindanao bilang paghahanda ng Philippine National Police (PNP) sa nalalapit na anibersaryo ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army.
Ayon kay PNP Regional Director Chief Superintendent Lendyl Desquitado, magpapadala sila ng mga dagdag na tauhan sa lugar na posibleng target ng mga rebelde sa Mayo 29, mismong araw ng kanilang anibersaryo.
Nakikipagtulungan na, aniya, ang pambansang pulisya sa militar partikular na ang nasa Fourth Infantry Division ng Philippine Army.
Ayon sa pulisya, aktibo ang mga rebelde sa kanilang political propaganda at panghuhuthot sa mga kumakandidato sa kanilang lalawigan.
By Avee Devierte