Nakatakdang makipagpulong si PNP o Philippine National Police Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa CHR o Commission on Human Rights anumang araw ngayong lingo.
Ito’y ayon kay Dela Rosa makaraang magkausap sila ni CHR Chairperson Chito Gascon noong isang linggo at nagkasundong magharap para sa isang pulong.
Kabilang sa mga tatalakayin sa naturang pulong ang mga maiinit na usaping kinasasangkutan ng pulisya gayundin ang masidhing kampaniya ng pamahalaan kontra iligal na droga.
Dagdag pa ni Dela Rosa, kasama rin sa kanilang tatalakayin ni Gascon ang mga kaso ng extrajudicial killings sa bansa partikular na ang pagkamatay ng binatilyong si Kian Loyd Delos Santos sa Caloocan.
By Jaymark Dagala / (Ulat ni Jonathan Andal)