Magtutulungan ang Philippine National Police (PNP) at Commission on Human Rights (CHR) para matiyak na igagalang ang karapatang pantao sa ikakasang mga kilos protesta sa Metro Manila ngayong Labor Day.
Ayon kay N.C.R.P.O. Chief, Director Camilo Cascolan, nakabantay sa mga kaganapan ang mga kinatawan mula C.H.R. kasama ang mga hepe ng PNP- Human Rights Affairs Office sa buong Metro Manila.
Itoy upang aksyunan agad ang uusbong na anumang paglabag sa karapatang pantao.
Bukod dito, may ikakalat din na mga human rights officer ang PNP sa mga kalsada na siyang personal na mag-o-obserba sa mga Civil Disturbance Management Operation o pagharap ng mga pulis sa mga raliyista.
Tinatayang sampung libong pulis ang idineploy ng N.C.R.P.O. para iba’t ibang aktibidad ngayong Araw ng Paggawa.