Puspusan na ang pagtugis ng PNP o Philippine National Police at NBI o National Bureau of Investigation sa apat na dating mambabatas na miyembro ng Makabayan bloc na ipinaaaresto dahil sa kasong double murder.
Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, ikinakasa na ng kanilang mga tauhan ang pag-aresto laban kina National Anti-Poverty Commission Secretary Liza Maza, dating Department of Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano at Bayan Muna congressmen Satur Ocampo at Teddy Casiño.
Kasabay nito, hinimok ni Albayalde ang mga dating kongresista na sumuko na lamang.
Nag-ugat ang kaso ng mga ito dahil sa pagkamatay ng mga kritiko ng bayan muna sa Nueva Ecija nuong 2006.