Nilinaw ng Pambansang Pulisya na magka-agapay sila ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagtukoy at pagtugis kay alyas “Bikoy” at sa lahat ng nasa likod ng viral video na may pamagat na “Ang Totoong Narco-list”.
Ito’y matapos umani ng reaksyon mula sa ilang mga netizens ang tila pagtataguan ng dalawang ahensya sa pagresolba sa usaping nagdiriin kay Pangulong Rodrigo Duterte at pamilya nito sa illegal drug trade.
Ayon kay PNP Spokesman Col. Bernard Banac, gumugulong na ang kanilang ginagawang manhunt laban kay “Bikoy” sa tulong ng NBI at kung may makukuha rin silang impormasyon ay agad din nila itong ipagbibigay alam.
WATCH: PNP at NBI, walang sulutan sa paglutas sa “Bikoy” video. | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/WLD59sTWhm
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) May 3, 2019
Kasalukuyan nang hawak ng NBI ang uploader ng nasabing video na si Rodel Jayme ang pinag-aaralan pa kung may karagdagang mga kaso ang isasampa rito habang nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang interogasyon at imbestigasyon sa kaniya.