Posibleng may sindikato sa loob mismo ng Philippine National Police (PNP) at maging ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na dawit sa sinasabing recycling ng illegal drugs.
Ayon ito kay PNP Spokesperson Col. Jean fajardo kaya’t ikinakasa nila ang malalimang imbestigasyon matapos maaresto si PDEA Southern District Office Chief Enrique Lucero at dalawang agents sa isinagawang raid sa Taguig City.
Mahigpit aniya silang makikipag ugnayan kay PDEA Director General Moro Virgilio Lazo.
Sinabi ni Fajardo na tututukan sa imbestigasyon ang posibilidad na hindi lamang sa level ni Lucero ang sangkot sa pagre-recycle ng droga.