May hawak umanong bagong ebidensya ang PNP at PDEA para patunayang sangkot talaga sa operasyon ng illegal drugs si Marine Lt Col Ferdinand Marcelino
Ayon sa PNP at PDEA nakakuha sila ng transcription ng celfon conversation ni Marcelino nuong mismong araw na inaresto ito kasama ang isang Chinese national sa isang raid sa isang shabu laboratory sa Sta Cruz, Maynila nuong January 21
Ang nasabing usapan ay sa pagitan umano ni Marcelino at interpreter ni Yan Yi Shou alias Randy
Sa naturang pag uusap plinano umano ng dalawa na ilipat ang shabu laboratory sa ibang lugar dahil namo monitor na ito ng PDEA
Nabanggit din ni Marcelino sa nasabing pag uusap ang pangalang Tony na umano’y tatanggap ng shabu
By: Judith Larino