Binigyang diin ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na makikipagtulungan lamang sila sa imbestigasyon ng International Criminal Court kaugnay sa “war on drugs” kapag may kumpas na ito ng Malakanyang at ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Paliwanag ni PNP Spokesman Chief Superintendent John Bulalacao, mayruon silang sinusunod na proseso sa pagbibigay ng datos hinggil sa kampanya ng pamahalaan kontra illegal na droga.
Ayon naman kay PDEA Spokesman Derrick Carreon, tatalima lamang sila sa kahilingan ng ICC kapag binigyan na sila ng “go signal” ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Una nang sinabi ng Pangulo na walang aasahang tulong ang ICC sa Pilipinas kaugnay sa isasagawa nitong preliminary examination sa kanyang anti-drug war campaign.